364 results found for "Sa Aking mga GURO Maraming Salamat"

Sort Price

Highest

Lowest

View As

Grid

List

Search Result

Mga Paliwanag sa Pagdiriwang ng Salita ng Diyos: Adbiyento - Pasko Php 279.50
Ang Simbahan, na siyang Bayan ng Diyos, ay hinuhubog ng Salita ng Diyos. Ang Diyos ay nagsasalita sa maraming paraan. Ipinaaabot ng Diyos ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng Bibliya, ng mga pangyayari sa kasaysayan, ng ating mga karanasan, ng konsiyensiya ng bawat isa, ng mga turo at gawain sa Simbahan, ng kalikasan, ng panawagan ng mga nangangailangan, ng mga turo at halimbawa ng mga taong banal, at ng ating pagdarasal at pagninilay. Ang ating Diyos ay hindi malihim. Dahil sa Siya ay ang Pagmamahal at Siya’y nagmamahal sa atin, patuloy Siyang nagpapakilala sa atin. Ang isang katangi-tanging paraan ng Kanyang pagpapakilala ay sa pamamagitan ng Kanyang Salitang nakasulat sa banal na Bibliya. Kung tatanungin ang ating mga Katoliko kung mahalaga sa kanila ang Bibliya, agad isasagot ng lahat ang matunog na “Oo!” Pero kakaunti ang ating alam sa Bibliya. Kung hindi natin ito alam, anong gabay ang maibibigay nito sa ating buhay? Marami ang wala pang Bibliya. Marami rin ay hindi nakababasa o hindi sanay magbasa. Marami ang abalang-abala sa buhay at wala na silang panahon para magbasa. Aaminin din natin na ang Bibliya mismo ay hindi madaling basahin at unawain dahil ito ay mahaba at nakasulat sa pamamaraan na iba sa ating kinasanayan. Para sa nakararami, ang pinakapagkakataon ng kanilang pakikipagtagpo sa Salita ng Diyos ay ang lingguhang pagdiriwang nito sa misa o di kaya ay sa pagdiriwang na walang pari. Oo, naririnig nila ang mga bahagi ng Bibliya na ipinahahayag dito ngunit malimit ay hindi rin nila nauunawaan. Ang Bibliya ay hindi lang sapat na marinig. Ito ay dapat ipaliwanag. Kaya ang tungkuling ipaliwanag ng Simbahan ang Bibliya ay napakahalaga. Sa maraming mga lugar na hindi naaabot ng pari tuwing Linggo, ang nangunguna sa pagdiriwang ay mga laiko na masigasig sa kanilang paglilingkod sa Simbahan ngunit kulang naman ang kaalaman at kakayahang magpaliwanag. Ito ay naging karanasan ko sa parokya ng San Ezekiel Moreno sa Palawan noong ako’y maitalaga roon na maglingkod bilang pari noong taong 1999. Agad kong nakita na hindi ko namimisahan ang 728 na kapilya na nakakalat sa malalayong lugar ng parokya. Mayroon kaming mga Alagad ng Salita ng Diyos na nangunguna sa pagdiriwang ng Salita ng Diyos sa mga kapilyang ito tuwing Linggo. Sila ay mga mangingisda at magsasaka na nagtatalaga ng kanilang sarili sa ganitong mabuting gawain. Mabubuti ang kanilang hangarin ngunit hindi sila masisisi na hindi nila alam ang Bibliya. Mabababa ang antas ng edukasyon na kanilang naabot. Kung hindi nila ito alam, paano nila ito maipapaliwanag sa mga tao? Patuloy ko silang hinuhubog, ngunit gaano katagal pa upang sila ay magkaroon ng sapat na kakayahan na magkaroon ng maayos at tamang pagpapaliwanag? Isang tanging paraan na ginawa ko sa ganitong kalagayan ay ang sumulat ng maiiksing paliwanag sa mga pagbasa na sa bawat Linggo ay maaari nilang basahin na lang sa mga tao bilang homiliya. Ang aklat na ito ay bunga ng tatlong taon na pagsusulat ng mga paliwanag na ito. Linilimbag namin ang mga paliwanag na ito upang maipamahagi rin sa ibang mga laiko na ganito rin ang kalagayan. Sila ay nangunguna sa mga tao ngunit kulang sila ng kakayahan na maipaliwanag ng wasto ang Bibliya. Gusto nila na ito ay lalong maunawaan ng mga pinangungunahan nila. Alam ko na ang aming kalagayan sa Palawan ay siya ring kalagayan ng maraming mga malalaking parokya sa ating bansa na pinaglilingkuran ng isa o dalawang pari lamang. Sana ang aklat na ito ay makatulong sa mga katulong ng pari sa pagpapaliwang ng Salita ng Diyos sa mga tao. Ang mga paliwang na ito ay maiiksi at simple lang upang madaling mabigkas at maunawaan. Sinisikap ng mga homiliyang ito na iugnay ang paliwanag sa Bibliya sa karanasan ng mga tao at sa mga turo ng Simbahan. Ang mga homiliyang ito ay hindi lang mga gabay sa pagpapaliwang. Sila na mismo ang paliwanag. Ang mga nakasulat dito ay ipinapayo na basahin na agad ng mga ministrong laiko. Palitan lang nila ang mga halimbawa o mga salita na kaiba sa karanasan o pamumuhay ng mga tao na kanilang kausap. 8 Apostoliko ng Puerto Princesa sa kanyang pagsuporta sa paglilimbag nito at gayundin sa mga kaparian ng aming Bikaryato Apostoliko sa pagpapagamit ng mga paliwanag na ito sa kanilang mga parokya. Si Lucy ng Chancery Office ay buong tiyaga na nagencode ng mga homiliya sa computer mula sa aking halos ay dimabasang sulat-kamay. Maraming salamat din sa mga dati kong estudyante sa Don Bosco Center of Studies sa kanilang pagsasaayos at pag-edit nito. Kung ito ay nailimbag, ito ay dahil sa kanilang pagsusumikap. Ang Diyos na ang gagantimpala sa kanilang kontribusyon na ang kaharian ni Kristo ay lalong magkaugat sa ating mga kanayunan. Maraming salamat po sa inyong lahat. Bishop Broderick Pabillo, SDB, DD
Php 279.50
Mga Awiting Alaw Sa Autismo Php 300
Composed by Gina Luna Bermudo. Tracks: Why God, Misteryo, Para Kay Niko at Xandi, Kaya Ko Rin, Awit Autismo, Best Seller
Php 300
Kayamanan IV: Ekonomiks - Workteks sa Araling Panlipunan para sa Ikaapat na Taon sa Sekundarya Php 100
Tinatalakay ng workteks na ito ang: Saligan ng Pag-aaral ng Ekonomiks; Microeconomics; Macroeconomics; at mga Sektor ng Ekonomya. Imperial, C.M. et al. (2005). Kayamanan IV: Ekonomiks - Workteks sa Araling Panlipunan para sa Ikaapat na Taon sa Sekundarya. Unang Edisyon. Manila:Rex Bookstore. 451 pp.
Php 100
Mga Ibong Mandaragit Php 100
Required reading for many schools, Amado V. Hernandez's work is a classic socio-political novel tackling the problems of the people and the society. With a foreword by former Foreign Affairs Secretary Carlos P. Romulo. Hernandez, A.V. (1971). Mga Ibong Mandaragit. Las Pinas City, Philippines:M&L Licudine Enterprises. 416 pp.
Php 100
CODE: SA 02 Php 280
P580SIZE: 37/7HONGKONG SANDALNOW @ P280!
Php 280
CODE: SA 01 Php 280
P580SIZE: 37/7HONGKONG SANDALNOW @ P280!
Php 280
CODE: SA 01 Php 280
P580SIZE: 37/7HONGKONG SANDALNOW @ P280!
Php 280
CODE: SA 07 Php 350
Php 350
CODE: SA 06 Php 150
Php 150
TUFF Protectant Php 3,590,000
Kintab at Proteksyong Tatagal: TUFF Protectant Available in 250 mL Spray Bottle Proteksyon sa iba't ibang surfaces: leather, wood, and rubber Pinapanatiling makintab at protektado sa mga surfaces Natural scent na nag-iiwan ng bangong malinis Sulit sa halaga dahil maraming gamit
Php 3,590,000
CODE: SA 07 Php 350
P680SIZE 37HONGKONG SANDALNOW @ P350
Php 350
CODE: SA 07 Php 350
NOW @ P350 size 37/7
Php 350
Showing 1 - 12 of 364 Products