Ang Simbahan, na siyang Bayan ng Diyos, ay hinuhubog ng Salita ng Diyos. Ang Diyos ay nagsasalita sa maraming paraan. Ipinaaabot ng Diyos ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng Bibliya, ng mga pangyayari sa kasaysayan, ng ating mga karanasan, ng konsiyensiya ng bawat isa, ng mga turo at gawain sa Simbahan, ng kalikasan, ng panawagan ng mga nangangailangan, ng mga turo at halimbawa ng mga taong banal, at ng ating pagdarasal at pagninilay. Ang ating Diyos ay hindi malihim. Dahil sa Siya ay ang Pagmamahal at Siya’y nagmamahal sa atin, patuloy Siyang nagpapakilala sa atin. Ang isang katangi-tanging paraan ng Kanyang pagpapakilala ay sa pamamagitan ng Kanyang Salitang nakasulat sa banal na Bibliya. Kung tatanungin ang ating mga Katoliko kung mahalaga sa kanila ang Bibliya, agad isasagot ng lahat ang matunog na “Oo!” Pero kakaunti ang ating alam sa Bibliya. Kung hindi natin ito alam, anong gabay ang maibibigay nito sa ating buhay? Marami ang wala pang Bibliya. Marami rin ay hindi nakababasa o hindi sanay magbasa.
Marami ang abalang-abala sa buhay at wala na silang panahon para magbasa. Aaminin din natin na ang Bibliya mismo ay hindi madaling basahin at unawain dahil ito ay mahaba at nakasulat sa pamamaraan na iba sa ating kinasanayan. Para sa nakararami, ang pinakapagkakataon ng kanilang pakikipagtagpo sa Salita ng Diyos ay ang lingguhang pagdiriwang nito sa misa o di kaya ay sa pagdiriwang na walang pari. Oo, naririnig nila ang mga bahagi ng Bibliya na ipinahahayag dito ngunit malimit ay hindi rin nila nauunawaan. Ang Bibliya ay hindi lang sapat na marinig. Ito ay dapat ipaliwanag. Kaya ang tungkuling ipaliwanag ng Simbahan ang Bibliya ay napakahalaga. Sa maraming mga lugar na hindi naaabot ng pari tuwing Linggo, ang nangunguna sa pagdiriwang ay mga laiko na masigasig sa kanilang paglilingkod sa Simbahan ngunit kulang naman ang kaalaman at kakayahang magpaliwanag. Ito ay naging karanasan ko sa parokya ng San Ezekiel Moreno sa Palawan noong ako’y maitalaga roon na maglingkod bilang pari noong taong 1999. Agad kong nakita na hindi ko namimisahan ang 728 na kapilya na nakakalat sa malalayong lugar ng parokya. Mayroon kaming mga Alagad ng Salita ng Diyos na nangunguna sa pagdiriwang ng Salita ng Diyos sa mga kapilyang ito tuwing Linggo. Sila ay mga mangingisda at magsasaka na nagtatalaga ng kanilang sarili sa ganitong mabuting gawain. Mabubuti ang kanilang hangarin ngunit hindi sila masisisi na hindi nila alam ang Bibliya. Mabababa ang antas ng edukasyon na kanilang naabot. Kung hindi nila ito alam, paano nila ito maipapaliwanag sa mga tao? Patuloy ko silang hinuhubog, ngunit gaano katagal pa upang sila ay magkaroon ng sapat na kakayahan na magkaroon ng maayos at tamang pagpapaliwanag? Isang tanging paraan na ginawa ko sa ganitong kalagayan ay ang sumulat ng maiiksing paliwanag sa mga pagbasa na sa bawat Linggo ay maaari nilang basahin na lang sa mga tao bilang homiliya. Ang aklat na ito ay bunga ng tatlong taon na pagsusulat ng mga paliwanag na ito.
Linilimbag namin ang mga paliwanag na ito upang maipamahagi rin sa ibang mga laiko na ganito rin ang kalagayan. Sila ay nangunguna sa mga tao ngunit kulang sila ng kakayahan na maipaliwanag ng wasto ang Bibliya. Gusto nila na ito ay lalong maunawaan ng mga pinangungunahan nila. Alam ko na ang aming kalagayan sa Palawan ay siya ring kalagayan ng maraming mga malalaking parokya sa ating bansa na pinaglilingkuran ng isa o dalawang pari lamang. Sana ang aklat na ito ay makatulong sa mga katulong ng pari sa pagpapaliwang ng Salita ng Diyos sa mga tao. Ang mga paliwang na ito ay maiiksi at simple lang upang madaling mabigkas at maunawaan. Sinisikap ng mga homiliyang ito na iugnay ang paliwanag sa Bibliya sa karanasan ng mga tao at sa mga turo ng Simbahan. Ang mga homiliyang ito ay hindi lang mga gabay sa
pagpapaliwang. Sila na mismo ang paliwanag. Ang mga nakasulat dito ay ipinapayo na basahin na agad ng mga ministrong laiko. Palitan lang nila ang mga halimbawa o mga salita na kaiba sa karanasan o pamumuhay ng mga tao na kanilang kausap. 8 Apostoliko ng Puerto Princesa sa kanyang pagsuporta sa paglilimbag nito at gayundin sa mga kaparian ng aming Bikaryato Apostoliko sa pagpapagamit ng mga paliwanag na ito sa kanilang mga parokya. Si Lucy ng Chancery Office ay buong tiyaga na nagencode ng mga homiliya sa computer mula sa aking halos ay dimabasang sulat-kamay. Maraming salamat din sa mga dati kong estudyante sa Don Bosco Center of Studies sa kanilang pagsasaayos at pag-edit nito. Kung ito ay nailimbag, ito ay dahil sa kanilang pagsusumikap. Ang Diyos na ang gagantimpala sa kanilang
kontribusyon na ang kaharian ni Kristo ay lalong magkaugat sa ating mga kanayunan. Maraming salamat po sa inyong lahat.
Bishop Broderick Pabillo, SDB, DD
Book Code : LGS05Condition : Brand NewTitle : La Guarja 5 - Isang Pusong AkinAuthor : AriellePublisher : Precious Pages CorporationNo. of Pages : 128 pagesSa limang babaeng La Guarja, si July lamang ang nag-iba ng landas sa larangan ng pag-ibig. Nagmahal siya sa isang lalaking kahit kailan ay hindi magdadala sa kanya sa harap ng altar ng matrimonya- si Justin Brand.Nasasakupan si Justin ng family rule na hindi ito mag-aasawa ng inferior na lahi sa Caucasian race nito.Sa pagnanais na makapiling man lang ito nang ilang panahon, pumayag si July na maging kaulayaw nito sa mga sandaling hindi pa nito natatagpuan ang ideal wife nito.Ipinaubaya niya sa tadhana ang kapalaran ng relasyon niya sa binata- maliban na lang kung makikialam na naman si Michael...
Arielle
“I love you now, Julianne La Guarja! More than my life! At `di ako papayag na magkahiwalay pa tayo.”
Sa limang babaeng La Guarja, si July lamang ang nag-iba ng landas sa larangan ng pag-ibig. Nagmahal siya ng isang lalaking kahit kailan ay hindi magdadala sa kanya sa harap ng altar ng matrimonya—si Justin Brand. Nasasakupan si Justin ng family rule na hindi ito mag-aasawa ng inferior na lahi sa Caucasian race nito.
Sa pagnanais na makapiling man lang ito nang ilang panahon, pumayag si July na maging kaulayaw nito sa mga sandaling hindi pa nito natatagpuan ang ideal wife nito.
Ipinaubaya niya sa Tadhana ang kapalaran ng relasyon niya sa binata—maliban na lang kung makikialam na naman si Michael…
This book aims to guide the student in his recognition of his heritage and culture which would give him an identity in the era of globalization. It explains one's characteristics as a Filipino and as a citizen of the country. Amante, H.U. et al. (2004.) Pilipinas Kong Mahal: Isang Makabayang Pag-aaral ng Kultura at Lipunan. San Juan, M.M.: Anvil Publishing, Inc.
By Haze Prado
“You took my heart with you and I want it back. Pero siyempre, kasama ka.”
Kahit ilang beses nang nabigo ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Airill na balang-araw ay darating din ang Prince Charming niya at magsasama sila nang masaya habang-buhay.
Agad naman siyang nakakita ng panibagong prospect. Ngunit sa kung anong biro ng tadhana ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Lewis, ang lalaking kinaiinisan niya nang labis. Pakialamero ito at lagi nitong sinisira ang diskarte niya.
Pero sa kung anong biro din ng tadhana ay ito ang naging tagapagligtas niya nang maging target siya ng isang pinaghihinalaang serial killer. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang proteksiyon nito.
Dahil lagi silang magkasama, namalayan na lamang niya na nahuhumaling na siya rito. Hindi nakapagtataka iyon dahil kaibig-ibig naman talaga ito. Sa malas, magkaiba sila ng pananaw pagdating sa pag-ibig. Hindi ito naniniwala roon at lalong hindi ito naniniwala sa “and they lived happily ever after” na ending!
by Sonia Francesca
Life was monotonous for Atasha. Trabaho-bahay, bahay-trabaho. Iyon ang routine niya araw-araw. Hanggang isang gabi ay may nagbigay sa kanya ng isang nakakaintrigang proposal: Isang milyong piso kapalit ng isang araw na pagpapanggap bilang girlfriend ng bilyonaryong si Treize de Cordova.
Sa kagustuhang maiba naman ang takbo ng kanyang buhay ay tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi niya inakalang sa ginawa niya ay mangangarap siya ng higit pa sa isang milyong piso... na sana ay ialok ni Treize ang puso nito...
Reprint will be available this December!
New Cover. Same Burning Romance.
For your orders & reservations LIKE us on fb to get updates or send us a message;
http://www.facebook.com/charysbookshoppe
Lothario Series: Jonty Silverio
by Eve Montelibano
He is a consummate practitioner of the game of love, but bored to death. She is living the glittery life of a famous celebrity, but actually itching for some real action. Nagtagpo ang mga mundo nila isang maalab na gabi. Jonty and Vanessa. Isang naglalaro sa pag-ibig at isang naghahanap ng pag-ibig. Theirs would be a fierce battle of will where winning could only mean...surrender.
Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.
Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.
Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?
Isang Patak sa Isang Tambak: Tuff Dishwashing Liquid
200 mL pouch
Kills 99.9% of germs dahil may GERMEX
Tinatanggal ang makapit na dumi at sebo
Mas matipid dahil 100% concentrated
Nagtatanggal ng lansa sa kitchenware dahil sa citrus scent
Walang iniiwag sabon dahil easy rinse formula
By Bob OngOrig Price: Php 175Sale Price: Php 130THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOODNaunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?KAPITAN SINOAng pinakabagong superhero noon.Mas matibay pa sa orig.Sa mas mahabang panahon
Ugly duckling pa lamang siya ay mahal na ni Lily si Rascus. Ngayong lovely swan na siya, ito pa rin ang itinatangi niya. Kaya nang magpakita ito ng interes, hindi niya magawang magpakipot.
"Patutuluyin mo ako sa bahay mo kahit may masama akong motibo?" tanong nito isang gabi. He was a pro pagdating sa seduction.
"I'm not going to end up dead, right?" tugon niya, knowing what he had in mind. Tiwala siyang kaya niyang i-handle ang isang kagaya nito.
And the game began...