17618 results found for "PAG IRAL Gunita ng Kabataan ni ZAS sa UP at Europa"

Sort Price

Highest

Lowest

View As

Grid

List

Search Result

Sa Pagdating Ng Pag-Ibig  by VANESSA Php 3,300
Sa Pagdating Ng Pag-Ibig by VANESSA READY TO SHIP ANYTIME! Payment must be made within 3 Banking days from date of checkout Please use the BUY NOW button above to order. No Need To Sign Up For A Multiply Account, Guest Checkout Is Allowed.
Php 3,300
Mga Paliwanag sa Pagdiriwang ng Salita ng Diyos: Adbiyento - Pasko Php 279.50
Ang Simbahan, na siyang Bayan ng Diyos, ay hinuhubog ng Salita ng Diyos. Ang Diyos ay nagsasalita sa maraming paraan. Ipinaaabot ng Diyos ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng Bibliya, ng mga pangyayari sa kasaysayan, ng ating mga karanasan, ng konsiyensiya ng bawat isa, ng mga turo at gawain sa Simbahan, ng kalikasan, ng panawagan ng mga nangangailangan, ng mga turo at halimbawa ng mga taong banal, at ng ating pagdarasal at pagninilay. Ang ating Diyos ay hindi malihim. Dahil sa Siya ay ang Pagmamahal at Siya’y nagmamahal sa atin, patuloy Siyang nagpapakilala sa atin. Ang isang katangi-tanging paraan ng Kanyang pagpapakilala ay sa pamamagitan ng Kanyang Salitang nakasulat sa banal na Bibliya. Kung tatanungin ang ating mga Katoliko kung mahalaga sa kanila ang Bibliya, agad isasagot ng lahat ang matunog na “Oo!” Pero kakaunti ang ating alam sa Bibliya. Kung hindi natin ito alam, anong gabay ang maibibigay nito sa ating buhay? Marami ang wala pang Bibliya. Marami rin ay hindi nakababasa o hindi sanay magbasa. Marami ang abalang-abala sa buhay at wala na silang panahon para magbasa. Aaminin din natin na ang Bibliya mismo ay hindi madaling basahin at unawain dahil ito ay mahaba at nakasulat sa pamamaraan na iba sa ating kinasanayan. Para sa nakararami, ang pinakapagkakataon ng kanilang pakikipagtagpo sa Salita ng Diyos ay ang lingguhang pagdiriwang nito sa misa o di kaya ay sa pagdiriwang na walang pari. Oo, naririnig nila ang mga bahagi ng Bibliya na ipinahahayag dito ngunit malimit ay hindi rin nila nauunawaan. Ang Bibliya ay hindi lang sapat na marinig. Ito ay dapat ipaliwanag. Kaya ang tungkuling ipaliwanag ng Simbahan ang Bibliya ay napakahalaga. Sa maraming mga lugar na hindi naaabot ng pari tuwing Linggo, ang nangunguna sa pagdiriwang ay mga laiko na masigasig sa kanilang paglilingkod sa Simbahan ngunit kulang naman ang kaalaman at kakayahang magpaliwanag. Ito ay naging karanasan ko sa parokya ng San Ezekiel Moreno sa Palawan noong ako’y maitalaga roon na maglingkod bilang pari noong taong 1999. Agad kong nakita na hindi ko namimisahan ang 728 na kapilya na nakakalat sa malalayong lugar ng parokya. Mayroon kaming mga Alagad ng Salita ng Diyos na nangunguna sa pagdiriwang ng Salita ng Diyos sa mga kapilyang ito tuwing Linggo. Sila ay mga mangingisda at magsasaka na nagtatalaga ng kanilang sarili sa ganitong mabuting gawain. Mabubuti ang kanilang hangarin ngunit hindi sila masisisi na hindi nila alam ang Bibliya. Mabababa ang antas ng edukasyon na kanilang naabot. Kung hindi nila ito alam, paano nila ito maipapaliwanag sa mga tao? Patuloy ko silang hinuhubog, ngunit gaano katagal pa upang sila ay magkaroon ng sapat na kakayahan na magkaroon ng maayos at tamang pagpapaliwanag? Isang tanging paraan na ginawa ko sa ganitong kalagayan ay ang sumulat ng maiiksing paliwanag sa mga pagbasa na sa bawat Linggo ay maaari nilang basahin na lang sa mga tao bilang homiliya. Ang aklat na ito ay bunga ng tatlong taon na pagsusulat ng mga paliwanag na ito. Linilimbag namin ang mga paliwanag na ito upang maipamahagi rin sa ibang mga laiko na ganito rin ang kalagayan. Sila ay nangunguna sa mga tao ngunit kulang sila ng kakayahan na maipaliwanag ng wasto ang Bibliya. Gusto nila na ito ay lalong maunawaan ng mga pinangungunahan nila. Alam ko na ang aming kalagayan sa Palawan ay siya ring kalagayan ng maraming mga malalaking parokya sa ating bansa na pinaglilingkuran ng isa o dalawang pari lamang. Sana ang aklat na ito ay makatulong sa mga katulong ng pari sa pagpapaliwang ng Salita ng Diyos sa mga tao. Ang mga paliwang na ito ay maiiksi at simple lang upang madaling mabigkas at maunawaan. Sinisikap ng mga homiliyang ito na iugnay ang paliwanag sa Bibliya sa karanasan ng mga tao at sa mga turo ng Simbahan. Ang mga homiliyang ito ay hindi lang mga gabay sa pagpapaliwang. Sila na mismo ang paliwanag. Ang mga nakasulat dito ay ipinapayo na basahin na agad ng mga ministrong laiko. Palitan lang nila ang mga halimbawa o mga salita na kaiba sa karanasan o pamumuhay ng mga tao na kanilang kausap. 8 Apostoliko ng Puerto Princesa sa kanyang pagsuporta sa paglilimbag nito at gayundin sa mga kaparian ng aming Bikaryato Apostoliko sa pagpapagamit ng mga paliwanag na ito sa kanilang mga parokya. Si Lucy ng Chancery Office ay buong tiyaga na nagencode ng mga homiliya sa computer mula sa aking halos ay dimabasang sulat-kamay. Maraming salamat din sa mga dati kong estudyante sa Don Bosco Center of Studies sa kanilang pagsasaayos at pag-edit nito. Kung ito ay nailimbag, ito ay dahil sa kanilang pagsusumikap. Ang Diyos na ang gagantimpala sa kanilang kontribusyon na ang kaharian ni Kristo ay lalong magkaugat sa ating mga kanayunan. Maraming salamat po sa inyong lahat. Bishop Broderick Pabillo, SDB, DD
Php 279.50
La Guarja Series » » LAG00002 - Ang Lahat… Para Sa Pag-Ibig Php 37
Arielle “I want you, Satin! I have never wanted any woman as much as I want you!” Nabuhay si Gabriel sa isang mundo ng karangyaan. Isang mundong malamig, walang pinahahalagahan, walang sinasanto. Nakatakda siyang maging makapangyarihan sa mundong ito dahil sa taglay niyang kayamanan. Ngunit iglap, ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan niya ay nawala. Natagpuan din niya ang sarili na bihag ng limang magagandang babae. Mula sa pagiging amo at tila hari ay bumagsak siya sa pagiging isang ordinaryong utusan na nakasalalay ang buhay at kapalaran sa desisyon ng babaeng labis niyang kinamumuhian.
Php 37
La Guarja Series 2 - Ang Lahat... Para Sa Pag-Ibig by Arielle Php 40
Book Code : LGS02Condition : Brand NewTitle : La Guarja 2 - Ang Lahat... Para Sa Pag-IbigAuthor : AriellePublisher : Precious Pages CorporationNo. of Pages : 128 pagesNabuhay si Gabriel sa isang mundo ng karangyaan. Isang mundong malamig, walang pinahahalagahan, walang sinasanto. Nakatakda siyang maging makapangyarihan sa mundong ito dahil sa taglay niyang kayamanan.Ngunit iglap, ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan niya ay nawala.Natagpuan din niya ang sarili na bihag ng limang magagandang babae. Mula sa pagiging amo at tila hari ay bumagsak siya sa pagiging isang ordinaryong utusan na nakasalalay ang buhay at kapalaran sa desisyon ng babaeng labis niyang kinamumuhian.
Php 40
a Guarja Series » » LAG00001 - Pagkatapos Ng Panaginip Php 37
by Arielle “Hindi ako aalis sa tabi mo, Elsie, hanggang mahal mo ako.” May isang guwapong lalaking nagngangalang “Michael” na nananahan sa mga panaginip ni Elsie—at alam niya, mula pagkabata, na ang lalaking ito ang itinadhana sa kanyang pakamamahalin niya habang-buhay. Nang malaman niyang ampon siya at pinag-iinteresan siya ng kanyang foster brother ay nagpasya siyang hanapin ang lalaki sa kanyang panaginip. Natagpuan niya si Ryder—ang lalaking nagpalasap sa kanya ng tamis ng unang halik, na taliwas sa inaasahan niya, dahil ang lalaki sa kanyang panaginip dapat ang unang makahalik sa kanya… Nang sa bandang huli ay natagpuan niya si Michael, huli na para bawiin niya ang kanyang pag-ibig kay Ryder…
Php 37
La Guarja Series 1 - Pagkatapos Ng Panaginip by Arielle Php 40
Book Code : LGS01Condition : Brand NewTitle : La Guarja 1 - Pagkatapos Ng PanaginipAuthor : AriellePublisher : Precious Pages CorporationNo. of Pages : 128 pagesMay isang guwapong lalaking nagngangalang "Michael" na nananahan sa mga panaginip ni Elsie - at alam niya, mula pagkabata, na ang lalaking ito ang itinadhana sa kanyang pakamamahalin niya habang-buhay.Nang malaman niyang ampon siya at pinag-iinteresan siya ng kanyang foster brother ay nagpasya siyang hanapin ang lalaki sa kanyang panaginip.Natagpuan niya si Ryder - ang lalaking nagpalasap sa kanya ng tamis ng unang halik, na taliwas sa inaasahan niya, dahil ang lalaki sa kanyang panaginip dapat ang unang makahalik sa kanya ...Nang sa bandang huli ay natagpuan niya si Michael, huli na para bawiin niya ang kanyang pag-ibig kay Ryder ...
Php 40
Ayokong Magpaalan Sa Pag-Ibig by Helen Meriz Php 5,000
Ayokong Magpaalan Sa Pag-Ibig by Helen Meriz
Php 5,000
Kayamanan IV: Ekonomiks - Workteks sa Araling Panlipunan para sa Ikaapat na Taon sa Sekundarya Php 100
Tinatalakay ng workteks na ito ang: Saligan ng Pag-aaral ng Ekonomiks; Microeconomics; Macroeconomics; at mga Sektor ng Ekonomya. Imperial, C.M. et al. (2005). Kayamanan IV: Ekonomiks - Workteks sa Araling Panlipunan para sa Ikaapat na Taon sa Sekundarya. Unang Edisyon. Manila:Rex Bookstore. 451 pp.
Php 100
Pilipinas Kong Mahal: Isang Makabayang Pag-aaral ng Kultura at Lipunan Php 10,000
This book aims to guide the student in his recognition of his heritage and culture which would give him an identity in the era of globalization. It explains one's characteristics as a Filipino and as a citizen of the country. Amante, H.U. et al. (2004.) Pilipinas Kong Mahal: Isang Makabayang Pag-aaral ng Kultura at Lipunan. San Juan, M.M.: Anvil Publishing, Inc.
Php 10,000
La Guarja Series » » LAG00003 - Katumbas Ng Buha Php 3,700
Arielle “Para kasing wala akong karapatang umasang papayag ka na maging asawa ko.” Nagpunta sa Japan si Akira upang kunin ang mga ari-ariang naiwan ng kanyang namayapang ina—at hindi sinasadyang nakuha niya ang shishi kuro, isang pigurin na sagrado sa isang organisasyong kilalang walang sinasanto. Hindi nagluwat ay nagsimulang manganib ang kanyang buhay. Si Ishmael Cristobal, isang half Filipino-half Japanese, ang katana na naatasang bawiin mula sa kanya ang shishi kuro. Taglay ang maamong mukha, taglay rin ng binata ang matatag na pagkatao batay sa prinsipyo ng kinaaaniban nitong grupo. Dapat katakutan ni Akira ang pagkataong iyon—ngunit bakit iyon pa ang nakapagpalambot sa matigas niyang puso?
Php 3,700
UP Iskolar ng Bayan Lanyard Php 120
• Product Arrival within 3-7 working days upon receiving payment • if order is more than 20 pcs. call us: 9209078
Php 120
Walang Basagan ng Trip t-shirt by Teekals.com Php 300
Walang basagan ng trip!Screen printed using soft environment-friendly inks.S-combed and CVC cotton t-shirts. Sobrang ganda ng quality at fit.Printed to order. You pick the design, print color, shirt color, size and style.Saan ka man sa Pinas, pwede bumili. Ships within five working days.To determine your size, get a shirt that fits you comfortably. Lay it down on a flat surface and measure the width of the shirt just below the sleeves. Look up the width in the size tables above to find your equivalent size. If your measurement is in between two sizes, choose the bigger size to ensure a better fit.Save P30 when you order from our website.
Php 300
Showing 1 - 12 of 17618 Products