128 results found for "Mga kagustuhan at pangangailangan"

Sort Price

Highest

Lowest

View As

Grid

List

Search Result

Mga Ibong Mandaragit Php 100
Required reading for many schools, Amado V. Hernandez's work is a classic socio-political novel tackling the problems of the people and the society. With a foreword by former Foreign Affairs Secretary Carlos P. Romulo. Hernandez, A.V. (1971). Mga Ibong Mandaragit. Las Pinas City, Philippines:M&L Licudine Enterprises. 416 pp.
Php 100
Mga Awiting Alaw Sa Autismo Php 300
Composed by Gina Luna Bermudo. Tracks: Why God, Misteryo, Para Kay Niko at Xandi, Kaya Ko Rin, Awit Autismo, Best Seller
Php 300
Mga Paliwanag sa Pagdiriwang ng Salita ng Diyos: Adbiyento - Pasko Php 279.50
Ang Simbahan, na siyang Bayan ng Diyos, ay hinuhubog ng Salita ng Diyos. Ang Diyos ay nagsasalita sa maraming paraan. Ipinaaabot ng Diyos ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng Bibliya, ng mga pangyayari sa kasaysayan, ng ating mga karanasan, ng konsiyensiya ng bawat isa, ng mga turo at gawain sa Simbahan, ng kalikasan, ng panawagan ng mga nangangailangan, ng mga turo at halimbawa ng mga taong banal, at ng ating pagdarasal at pagninilay. Ang ating Diyos ay hindi malihim. Dahil sa Siya ay ang Pagmamahal at Siya’y nagmamahal sa atin, patuloy Siyang nagpapakilala sa atin. Ang isang katangi-tanging paraan ng Kanyang pagpapakilala ay sa pamamagitan ng Kanyang Salitang nakasulat sa banal na Bibliya. Kung tatanungin ang ating mga Katoliko kung mahalaga sa kanila ang Bibliya, agad isasagot ng lahat ang matunog na “Oo!” Pero kakaunti ang ating alam sa Bibliya. Kung hindi natin ito alam, anong gabay ang maibibigay nito sa ating buhay? Marami ang wala pang Bibliya. Marami rin ay hindi nakababasa o hindi sanay magbasa. Marami ang abalang-abala sa buhay at wala na silang panahon para magbasa. Aaminin din natin na ang Bibliya mismo ay hindi madaling basahin at unawain dahil ito ay mahaba at nakasulat sa pamamaraan na iba sa ating kinasanayan. Para sa nakararami, ang pinakapagkakataon ng kanilang pakikipagtagpo sa Salita ng Diyos ay ang lingguhang pagdiriwang nito sa misa o di kaya ay sa pagdiriwang na walang pari. Oo, naririnig nila ang mga bahagi ng Bibliya na ipinahahayag dito ngunit malimit ay hindi rin nila nauunawaan. Ang Bibliya ay hindi lang sapat na marinig. Ito ay dapat ipaliwanag. Kaya ang tungkuling ipaliwanag ng Simbahan ang Bibliya ay napakahalaga. Sa maraming mga lugar na hindi naaabot ng pari tuwing Linggo, ang nangunguna sa pagdiriwang ay mga laiko na masigasig sa kanilang paglilingkod sa Simbahan ngunit kulang naman ang kaalaman at kakayahang magpaliwanag. Ito ay naging karanasan ko sa parokya ng San Ezekiel Moreno sa Palawan noong ako’y maitalaga roon na maglingkod bilang pari noong taong 1999. Agad kong nakita na hindi ko namimisahan ang 728 na kapilya na nakakalat sa malalayong lugar ng parokya. Mayroon kaming mga Alagad ng Salita ng Diyos na nangunguna sa pagdiriwang ng Salita ng Diyos sa mga kapilyang ito tuwing Linggo. Sila ay mga mangingisda at magsasaka na nagtatalaga ng kanilang sarili sa ganitong mabuting gawain. Mabubuti ang kanilang hangarin ngunit hindi sila masisisi na hindi nila alam ang Bibliya. Mabababa ang antas ng edukasyon na kanilang naabot. Kung hindi nila ito alam, paano nila ito maipapaliwanag sa mga tao? Patuloy ko silang hinuhubog, ngunit gaano katagal pa upang sila ay magkaroon ng sapat na kakayahan na magkaroon ng maayos at tamang pagpapaliwanag? Isang tanging paraan na ginawa ko sa ganitong kalagayan ay ang sumulat ng maiiksing paliwanag sa mga pagbasa na sa bawat Linggo ay maaari nilang basahin na lang sa mga tao bilang homiliya. Ang aklat na ito ay bunga ng tatlong taon na pagsusulat ng mga paliwanag na ito. Linilimbag namin ang mga paliwanag na ito upang maipamahagi rin sa ibang mga laiko na ganito rin ang kalagayan. Sila ay nangunguna sa mga tao ngunit kulang sila ng kakayahan na maipaliwanag ng wasto ang Bibliya. Gusto nila na ito ay lalong maunawaan ng mga pinangungunahan nila. Alam ko na ang aming kalagayan sa Palawan ay siya ring kalagayan ng maraming mga malalaking parokya sa ating bansa na pinaglilingkuran ng isa o dalawang pari lamang. Sana ang aklat na ito ay makatulong sa mga katulong ng pari sa pagpapaliwang ng Salita ng Diyos sa mga tao. Ang mga paliwang na ito ay maiiksi at simple lang upang madaling mabigkas at maunawaan. Sinisikap ng mga homiliyang ito na iugnay ang paliwanag sa Bibliya sa karanasan ng mga tao at sa mga turo ng Simbahan. Ang mga homiliyang ito ay hindi lang mga gabay sa pagpapaliwang. Sila na mismo ang paliwanag. Ang mga nakasulat dito ay ipinapayo na basahin na agad ng mga ministrong laiko. Palitan lang nila ang mga halimbawa o mga salita na kaiba sa karanasan o pamumuhay ng mga tao na kanilang kausap. 8 Apostoliko ng Puerto Princesa sa kanyang pagsuporta sa paglilimbag nito at gayundin sa mga kaparian ng aming Bikaryato Apostoliko sa pagpapagamit ng mga paliwanag na ito sa kanilang mga parokya. Si Lucy ng Chancery Office ay buong tiyaga na nagencode ng mga homiliya sa computer mula sa aking halos ay dimabasang sulat-kamay. Maraming salamat din sa mga dati kong estudyante sa Don Bosco Center of Studies sa kanilang pagsasaayos at pag-edit nito. Kung ito ay nailimbag, ito ay dahil sa kanilang pagsusumikap. Ang Diyos na ang gagantimpala sa kanilang kontribusyon na ang kaharian ni Kristo ay lalong magkaugat sa ating mga kanayunan. Maraming salamat po sa inyong lahat. Bishop Broderick Pabillo, SDB, DD
Php 279.50
BBU00006 - Shiela Gumamela Php 37
Dakila at busilak ang pag-ibig ni Shiela G. sa bayan at mga kababayan niya at kagaya ng mga nauna sa kanya, gagawin din niya ang lahat makamit lamang ang hinahangad na kaunlaran. Lucky for her, hindi naman niya kailangan ma-firing squad o magarote. Ang hiningi lamang ng kanyang tungkulin ay magpakasal siya kay Hunter Illusorio. Pero dahil sa ginawa niya rito noong mga bata sa sila, alam niyang hindi ito basta-basta papayag na manatili sa kanya. Kaya nag-practice siya kung paano niya aakitin at paliligayahin si Hunter.
Php 37
Stallion 09: Brad Crowford Php 37
Aminado si Chiza na karamihan sa mga miyembro at may-ari ng Stallion Riding Club ay guwapo. Pero hindi siya padadala. Naroon siya para sa trabaho at negosyo, at hindi sa anupamang bagay. Pero dahil sa di-sinasadyang insidente, nakilala niya ang guwapo, berde ang mga mata, at may British accent na si Brad. Nang mahulog siya mula sa isang puno dahil sa pag-atake sa kanya ng mga langgam, ito ang nakasalo sa kanya habang nangangabayo ito. Oo, napilayan siya sa aksidenteng iyon. Pero kung mayroon mang magandang naidulot iyon sa kanyang buhay, iyon ay ang magkaroon ng pagkakataong maalagaan siya ni Brad
Php 37
Kapitan Sino Php 130
By Bob OngOrig Price: Php 175Sale Price: Php 130THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOODNaunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?KAPITAN SINOAng pinakabagong superhero noon.Mas matibay pa sa orig.Sa mas mahabang panahon
Php 130
TUFF Protectant Php 3,590,000
Kintab at Proteksyong Tatagal: TUFF Protectant Available in 250 mL Spray Bottle Proteksyon sa iba't ibang surfaces: leather, wood, and rubber Pinapanatiling makintab at protektado sa mga surfaces Natural scent na nag-iiwan ng bangong malinis Sulit sa halaga dahil maraming gamit
Php 3,590,000
FM 21 Chanel No 5 Perfume Php 690
FM 21 Chanel No. 5 Warm, dreamyscent of rose, jasmine andylang-ylang flower. 50 ml Payment is through BPI bank deposit para na din hindi kayo magbayad ng extra fees sa mga pera padala.
Php 690
Ako Na Lang Sana Php 30
Noon pa man ay may pagtatangi na si Cactus kay Leo, ang pamangkin ng stepfather niya. Nang mamatay ang matanda, pinamanahan nito si Leo—sa kondisyon na kailangang magkaasawa na ito bago ito tumuntong sa edad na treinta. Dahil doon, nagkumahog sa pagdiskarte sa mga babae ang binata. Pero lahat iyon ay hinaharang ni Cactus. Ayaw niyang sa ibang babae mapunta si Leo. At mukhang sinusuwerte naman siya sa kabila ng mga kalokohan niya. Bigla siyang inalok nito ng kasal dahil nauubos na ang panahon nito sa paghahanap ng mapapangasawa. Kaso, paano kapag nabuko nito ang mga pinaggagawa niya?
Php 30
The Crisis Management Team - Dark Passions Php 3,700
Arielle Kapalit ng muling pagbabalik ng paningin ni Savannah ay ang maging pag-aari ng isang lalaking nagngangalang “Colt Cuevas” sa loob ng tatlong buwan. Wala siyang ideya kung ano ang hitsura nito ngunit hindi niya maikakaila sa sariling hindi niya ipagpapalit ang karanasang naramdaman niya sa mga panahong nasa mga bisig siya nito. Hindi pa man siya naooperahan ay biglang naglaho si Colt Cuevas sa buhay niya. Ngunit sa kabila ng paglipas ng mga taon ay hindi niya ito nagawang kalimutan. Kaya sa kagustuhang makita man lang ang hitsura nito, naglakas-loob siyang puntahan ito nang malaman niya ang kinaroroonan nito. At nanlumo siya sa kanyang natuklasan. Dahil si Colt Cuevas ay hindi isang basta-bastang lalaki. Guwapo, mayaman, edukado, at mga babae ang naghahabol dito. Gustuhin man niyang makapasok sa puso nito ay imposible dahil ang tipo nito ay hindi naniniwala sa pag-ibig at kasal…
Php 3,700
Stallion 05: Reigan Baltazar Php 37
Kaaway ang tingin ni Sierra kay Reigan. Kaibig-ibig naman ang tingin ni Reigan sa kanya. Hindi magkasundo ang kanilang mga puso dahil sa kanilang nakaraan na kasalanan ng binata. Kaya ngayon, pahirapan ang pagkuha nito sa pag-ibig niya. "Kailan ka ba maniniwalang gusto talaga kita, Sierra?" "Kapag naging square na ang buwan." Pero dahil sa kagagawan ng makulit na pamangkin niya, nagkaroon ng square na buwan. Green pa ang kulay. Maniwala na kaya siya sa mga sinasabi ng binata?
Php 37
At Your Service by Camilla Php 30
Naiirita na si Tuesday sa pang-ookray sa kanya ng mga kamag-anak niya dahil wala siyang maiprisintang boyfriend na maipagmamalaki niya sa mga ito. Kaya nang makilala niya si Fergus Morris, kinausap niya itong umaktong nobyo niya kapalit ng pagtulong niya sa bahay-ampunang itinatag ng yumaong asawa nito. No strings attached and a strictly business arrangement—iyon ang napagkasunduan nila. Ang problema, natagpuan niya ang sariling nahuhulog ang loob dito …
Php 30
Showing 1 - 12 of 128 Products