Nagus batikart...kami membuat batik seSuai pesanan...dengan tenaga ahli dibidang batik tulis.kami siap membuatkan batik sesuai yang anda inginkan dari warna alam maupun sintetis.modern maupun klasik.
“Alam ko na agad kung in love ako o hindi. Laging ‘hindi’ ang sagot ko. When I asked that same question about you, I couldn’t bear myself to say ‘no.’ I know I am in love with you.”
Keira was a professional horse trainer. She could tame the wildest horse, throw a few punches, and make friends with snakes. Subalit nang dumating si Eiji Romero sa buhay niya, hindi niya alam kung paano iha-handle ito.
Iba siya sa mga babaeng nai-date na nito noon. At sa piling nito, naramdaman niyang babae siya kahit hindi niya kailangang mag-makeup, magdamit ng pambabae o magsuot ng stiletto shoes. Posible kaya na ma-in love sa kanya ang isang katulad ni Eiji?
Para kay Danzelle Ann isang babaero, lampa at makasarili si Richard Don. Kaya nang ipatapon siya sa riding club upang tulungan ito sa Lakeside Café‚ and Restaurant kung saan kasosyo nito ang kapatid niya, parang nagdeklara na rin sila ng World War Three sa isa't isa.
She hated him while he loved to tease her. At mukhang alam nito ang paraan para panginigin ang mga tuhod niya at pabilisin ang tibok ng puso niya.
She shouldn't underestimate him. He was a very dangerous enemy.
Akala mo lang konti ang mapapasign mo pero 43, 43, 43!
Dahil 900 man ang friends mo sa Facebook, wag kang feeling sikat,
alam nating 20 lang dun ang true friends mo.
But you have 23 extra spaces in case mag-feeling sikat ka pa rin.
IKR, you're welcome.
The "Akala mo lang wala nang slumbook pero meron, meron, meron!"
Notebook/Slumbook: Tanso Edition
Php300 lang, free shipping to anywhere in the Philippines!
At wag ka, buy 10, take one free!
Unang ngiti pa lang ni Ricos sa kanya, alam niyang nakuha na nito ang kanyang puso.Magkasintahan sina Genil at Ricos. Para kay Genil, si Ricos lang ang tanging lalaking nakikita ng kanyang puso. Ngunit nang kapwa sila malagay sa isang alanganing sitwasyon, halos kamuhian nila ang isa’t isa. Dalawang taon silang namuhay na may galit sa kanilang mga puso. Dalawang taong iwasan at pagpapasakitan...
Inakala ni Genil na kayang-kaya niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Pero kapag kaharap na niya si Ricos, wala siyang magawa kundi ang mahalin ito.
“We are together now. Hindi ko na yata mai-imagine kung nasa ibang panahon o pagkakataon ako na `di kita kasama at hindi ikaw ang babaeng mahal ko.”
Tamara had to do everything to get away from Reid Alleje. Hindi na siya tatagal pa na maging asawa nito kahit sa pangalan lang. He was chauvinistic, over- bearing and insensitive.
But those didn’t stop her from falling for him. Isang bagay lang ang hindi niya kayang baguhin: Hindi kayang magmahal ni Reid.
Pipiliin ba niyang manatili sa piling nito kahit alam niyang hindi niya mararanasan pa ang pagmamahal nito kahit minsan?
Nag-propose si Avery ng marriage kay Irwin at pumayag naman ito. Her reasons were noble—and if he only knew! Ngunit ito pa ang may ganang mag-demand sa kanya!
“May mga ilang bagay kang dapat tandaan, Avi. Hindi na katulad noon ang nararamdaman ko sa iyo ngayon, so there will be no love between us. Alam kong okay lang naman sa iyo iyon dahil hindi mo rin naman ako mahal. Second, pagkatapos nating magpakasal sa Maynila, it will be a business arrangement. Oo, magsasama tayo sa iisang bubong, pero hanggang doon lang. Maghihiwalay tayo ng kuwartong tutulugan. I won’t touch you… iyon ang pinakahuling gusto kong gawin. Got it?”
Napalunok siya. “I got it.”
The arrogant bastard, sa loob-loob niya.
By Maricar Dizon
“Making you happy is my greatest pleasure.”
Para kay Sissy, isang misteryo si Jet Montero. Parang may lihim na itinatago ang guwapong binata sa pagkatao nito. Masungit din ito at madalas napapaaway, pero pagdating sa kanya ay umaamo ito na parang tupa. Alam niyang imposibleng ma-in love siya sa kagaya nito pero iyon ang nangyari. Kahit hindi pa niya lubos na kilala ito ay sumugal siya sa pag-ibig nito. At sa piling nito ay naramdaman niya ang kakaibang kaligayahan na hindi pa niya naranasan kahit kailan.
Isang araw ay nagpaalam ito sa kanya at nag-iwan ng isang pangako na babalikan siya.
She held on to that promise. Sadly, he never came back.
“Alam ko na kaligayahan mo na maging masaya ako. So I’ll do everything to make you happy.”
Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang maka- sampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag- asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.
Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya—si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito. Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.
by Arielle
“Hindi ako aalis sa tabi mo, Elsie, hanggang mahal mo ako.”
May isang guwapong lalaking nagngangalang “Michael” na nananahan sa mga panaginip ni Elsie—at alam niya, mula pagkabata, na ang lalaking ito ang itinadhana sa kanyang pakamamahalin niya habang-buhay.
Nang malaman niyang ampon siya at pinag-iinteresan siya ng kanyang foster brother ay nagpasya siyang hanapin ang lalaki sa kanyang panaginip.
Natagpuan niya si Ryder—ang lalaking nagpalasap sa kanya ng tamis ng unang halik, na taliwas sa inaasahan niya, dahil ang lalaki sa kanyang panaginip dapat ang unang makahalik sa kanya…
Nang sa bandang huli ay natagpuan niya si Michael, huli na para bawiin niya ang kanyang pag-ibig kay Ryder…
by Arielle
Pangarap ni Maja na ma-promote sa kanyang pinapasukang trabaho. At alam niyang malaki ang maitutulong sa career niya ng higanteng kompanya, ang Gibraltar Enterprises, Inc.
Ngunit nabulilyaso iyon nang sapilitan siyang ipakasal ng kanyang ama kay Tyler Abelarde—ang anak ni Jefferson Abelarde na pinalabas niyang nagsamantala sa kanya upang makaiwas sa isang lalaking hindi niya mahal.
Napagkasunduan nila ni Tyler na hanggang sa papel lamang ang kanilang pagiging mag-asawa. Ngunit bakit nagseselos siya sa dating girlfriend nito? Bakit nang minsan siyang halikan nito ay halos manlambot ang kanyang mga tuhod? At lalong bakit handa siyang masangkot sa gulong kabuntot ng pagkatao ng isang Tyler Abelarde?
“I am afraid to lose you. Hindi ko kayang gumising sa bawat araw na alam kong wala ka.”
Maganda na ang takbo ng buhay at career ni Dafhny. She was working on her dream project as an interior designer—the reconstruction of Casa Rosa. Pero hindi dream project ang Casa Rosa dahil sa kuwentong-multo na tumatakot sa kanya. And she was definitely scared of ghosts.
Gianpaolo Aragon, a certified babe of Stallion Riding Club, offered to look after her. Ito raw ang poprotekta sa kanya mula sa masasamang espiritu. Pero paano ba mapapanuto ang trabaho niya kung maya’t maya siyang inaakit nito? Magpapaakit na lang ba siya o habang-buhay na tatakbo palayo rito?